Sunday, July 29, 2007

no spoilers allowed.

naiinis talaga ako sa mga taong insensitive na namimigay ng spoiler tungkol s hp7.

============

tapos ko n hp7. wahahaha! di na ako maspo-spoil. ang nakakainis nga lang ay tpos ko na. back to acads n nmn. medyo nagsisi nko ngaun n minadali ko xa basahin. nothing to look forward to now.

============

super spoiler free review:

(na hindi nga matatawag na review kc sobrang walang details)

ganda nia. sobra. the best in the series. sobrang exciting, and daming nangyayari every chapter. tpos yung revelations! surprising! well di nmn masyado. ayun lng masasabi ko.

unexpected yung mga mamamatay.

nd wag kayo maniwala sa tsismis. hehehe.

Saturday, July 21, 2007

wik

2 Exams on a sunday. Wow.

Ok lang naman ang magka-exam. Kahit 2 na magkasunod. At majors mo pa. Pero sunday? O common. Ano nang nangyari sa sunday as the family day? Paano na ang holiness ng sabbath? At paano na ang mami-miss kong episode ng Gundam Seed Destiny sa herozone ng abs? Whaaa!

Kaya eto. Puspus sa pag aaral ng debits at credits, demand at supply, at kung paano kumpyutin ang GDP. Kaso naiisip ko lagi ang gundam seed destiny, kaya ngayon dinownload ko na lang mula sa net. Wahahahah!

========

Monday

Econ 100.1 lecture class kay Winnie Monsod. Kaso pasahan ng problem set, daming maingay medyo challenging kasi. Buti na lang nagawa ko n yung akin. Wahahaha! Dumating na si Monsod. Ingay pa din. Di cguro ma solve yung GDP deflator, di naman kasi nadiscuss yun eh. Buti binasa ko yung libro. Wahahaha!

Nagsimula nang magsalita si MOnsod. Ingay pa din. NAGALIT! Pinaupo yung mga nakatayo sa likod na nagdi-discuss yata. Pinasara yung 2 pintuan ng Audi. Mag implement na daw siya ng bagong rule, pag dating niya locked na yung 2 doors. Hala! Pano yan eh mas madalas na nauuna siya sa kin lalo na tuwing monday na ang hirap sumakay? Huhu!

Tuesday

Pan Pil 19 class. May reporting tungkol sa Pagsusulatan ng 2 binibining sina Urbana at Feliza, about conventions based dun. [*Quick Intro: Ung Urbana at Feliza tungkol siya sa conventions at rules at ugali na dapat sundin.] Yung reporter nasa likod ko, tapos tinatanong ako about dun sa conventions. Hindi yata nagbasa. Eh hindi din ako nagbasa. Wahahaha!

Nung nagreport na siya biglang tinanong ni maam yung mga passages kung san niya nakuha yung pinagsasabi niya. Patay. Nahalata ni maam na walang nagbasa kahit isa sa amin ng urbana at feliza. Dahil dyan meron kaming quiz tungkol sa Urbana at Feliza next meeting. Eh 100 pages na book pa naman yun.

Nagmeet kami ni Ayra tapos nagpasama ako sa main lib para hanapin si Urbana at Feliza. Kaso naka out na daw lahat. Naunahan na ako ng mga kaklase ko!

So punta naman sa Educ Lib para tignan kung meron. Kaso wala din! Kainis! Napagod lang ako! Ay kami pala!

Wednesday

Walang pasok sa CWTS! Yuhu! Pero pumunta pa rin ako ng UP para tignan kung may nagbalik ng Urbana at Feliza. Kso wala! Kaya nagpaxerox na lang ako ng solicitation letters. Hehe.

Thursday

Pagdating ko sa Econ Audi, naka locked na yung pinto. Annuu?!? Tinotoo nga ni Monsod ang sinabi nia! Kala ko naman joke tym lang!

Buti na lang may girl na nagmamadali at biglang nabuksan yung pinto. Hindi yata nasarado ng maayos. So madali kaming pumasok. Galit na naman si Monsod. Sa susunod daw dadalhin na na niya yung janitor para sure na mala-locked. Hehehe.

Friday

Quiz sa Urbana at Feliza. Buti na lang binasa ko kagabi, prinint ko na lang galing sa computer at pinagkasya sa 20 pages yung dapat na 100 pages pero ok lang. Kaya alam ko na na naging madre si Urbana at nagpakasal si Feliza. Nahirapan ako basahin kasi old tagalog, may halo pa yatang espanyol.

example ng passage sa urbana at feliza:

FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang
binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang
una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may
saquit ó ualá; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di
cataca-tacá sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi
ang búhay co cun di ang búhay mo ang itinatanong co,i, ang isinagót
mo,i, ang pinagdaanan nang camusmusán ta, at madlang matataas na puri
sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang
natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing
nagcucunót ang noó co, at sa man~ga casunód na talata, ay nan~giti ang
puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang
masunoring loob.

Grabe. Nosebleed sa kakatranslate sa utak. Pero ok naman. Nagustuhan ko na naman siya eh. Naging fun n din yung pagbasa. Wahaha! Kasi naman grabe yung instructions na nakalagay dun, mula sa kung paano ka magbehave sa simbahan hanggang sa paano suminga. Nakakatawa na.

Hay sige. Aral na ako ulit. Gudluck sa akin bukas.

Friday, July 13, 2007

bday the 18th

Mark!

Anong pers name ni birthday?

eh di Happy! Nyahaha. Hapi Bday...

- Elaine.

==============

Yan. Korni noh? Wahaha joke elaine! Hahahah!

Birthday ko today. YEY! Wala lang. Friday the 13th din. So anu nmn?

==============

4.30 am

Gising. Pinilit ako magsimba ng nanay at tatay ko sa madaling araw. Di ko nga alam kung bakit ako pumayag eh, kasi naantok ako. Xaka nag aalala ako na baka nagse-secrete ng growth hormones ang aking pituitary gland at sayang naman kung matitigil dahil nagising ako. Pero sige nagpagising naman ako.

Sa quiapo kami nagsimba. Hindi ko alam kung bakit gusto nila sa quiapo eh laging andaming tao dun. Siguro nga madaming petition ang natutupad sa kakadasal dun, pero pantay pantay lang naman ang mga simbahan eh, walang favoritism si God. Wahaha. Ang sungit pa nung nagbigay sa akin ng communion.

Ang hirap maging ulirang anak.

=================

Hindi ko alam pero nagloloko ang dsl namin.

So connect, connection becomes disrupted, disconnect, connect again. Rinse and repeat. Bayantel, we're paying for convenience here. Do your thing properly.

=================

Pan Pil 19 class. Na-brought up yung topic na default sex yung babae nung isa kong classmate na mejo [ayoko talaga sabihin kasi sabi ko sa sarili ko magpapakabait na ko pero di ko mapigilan so forgive me] epal [as in nakakainis na pasikat na epal, parang di nag iisip pag nagsasalita.], tapos pinilit na default sex yung babae dahil sa churva chromosome at cheverlyn biology.

Dahil ako ay isang proud graduate ng Soc Sci 3 class ni Maam Holmes, sinabi ko na na-disprove na yun ng kaklase at groupmate kong MBB. Kasi nung ganun din yung napag usapan namin sa class [about default default sex churva] umalma siya at nagpost ng isang article [na honestly hindi ko naintindihan] in response dun sa reading namin na nagsasabing default sex ang babae. Hindi ko lang naexplain sa class namin kung bakit, kasi sabi ko microbio yun eh, di kaya ng powers ko.

[Commercial: link ng article nung klasmeyt ko: http://tech.groups.yahoo.com/group/socsci3wxy/message/151 ]

Tapos ayaw maniwala ni epal klasmeyt. Sinabi pa na di ba daw ang lower animals babae lang sila at higher animals lang ang may sex na lalaki. Hello epal klasmeyt, asexual ang lower animals so in essence wala silang sex. Changa.

So sabi ko post ko na lang yung article ni matalinong klasmeyt from soc sci 3. tpos nagsalita ulit si klasmeyt na churva churva ang x gene ang gumagawa ng lalaki. Another kachangahan, Y gene yun chongeh.

Sori sa lahat ng masasama o nakakapang apak ng tao na salita. In my heart di naman talaga ako galit. :grunt:

=================

6pm na at ako pa lang ang tao sa bahay. Wonder where everyone's gone to.

=================

Si Ayra kilig na kilig sa prof niya sa math. Wahahaha! Sobrang nakakaaliw kausapin pag nagkwekwento tungkol sa prof niya.

Script nila nung kinuha ni Ayra yung number nung prof niya: [as told by Ayra]

Ayra: Sir pwede kunin yung number mo?
Goodlooking Prof: Uhm... Pwede... Pwede ding hinde...
Ayra: [nakalimutan ko na sinabi ni Ayra eh, pero may sinabi siya]
Goodlooking Prof: Eh pano pag kinuha mo yung number ko, eh di wala na akong number...
Ayra: [kilig to the max]

================

Got a new haircut. Wahaha! Nagmukha na naman akong tao.

================

Mga 3-4 beses na akong nagkaka bday na natapat sa friday, so friday the 13th, and if I remember correctly lahat ng instances na yun bumabagyo at nasu-suspend ang classes. Kaya napapa YEY! ako. Pero ngayon ayaw ko na bumagyo kasi naaawa ako sa magsasaka. Di nga bumagyo. Wahahaha! Pero saya pa din.

================

To each his own.

================

Nakita ko si Rystraum nung isang araw. May kasamang girl. Di pa nga ako sure kung xa yun so mejo puzzled siguro yung look ko. Natawa na lang ako kasi siya nga yun. Akala ko kasi nakikipag hide and seek siya wid marians. Hehehe.

================

Balak ko kaninang uminom ng beer bago ng Chem class ko, just for the heck of it. Hello it's my birthday. Xaka assignment ko sa psych na uminom ng isang psycho neurotic drug (e.g. marijuana, ecstasy pills, shabu) na hopefully mag alter ng aming state of awareness [dont worry daw sabi ng prof ko, we wont be judged when we share about our experience] , at beer ang choice ko dahil i love my brain, and i don't like to damage it thank you. pero di natuloy dahil wala ng time bumili bago magchem. Sayang. Gustong gusto ko pa naman siya i-try. Next time na lang siguro. Wahaha!

================

Long exams ko sa econ at acctg next week, sunday pa. Gud luck to me.

Saturday, July 07, 2007

777

YALOW!

"Never interrupt your enemy when he's making a mistake."
- Napoleon

Wala lang. hehe.

================

Gusto kong magpost ngayon kasi 7/7/07 ngaun, so swerte daw. kaso parang di naman. hmp.

================

Pumunta akong UP kanina. Ng 2 beses.

May kelangan kasi akong hanapin na journal article para sa paper ko. So pumunta akong Main Lib. Kaso pagdating ko nakalimutan ko pala ID ko. So ayun, balik sa bahay. Bwiset.

Nasira pa ung bago kong payong on the way. Hmp.

===============

Pero ok lang yan. Lucky naman ako dis week eh. Hehe. Tapos next week... ahem ahem... bisita na kayo sa gift stores... :D

Monday, June 11, 2007

rants

wushu.

ewan. wala lang gusto ko lang magsulat ng kung anu ano.

gusto ko magsulat kaso mahina ang signal. wala akong makalap na... inspiration. ayun. so... ayun.

"Ang buhay parang gulong... minsan nasusunog."
- Rufa Mae, Booba

hahaha.

alalalalaala.

trulululu.

bwekekang.

kung titingnan lahat ng entries ko, majority nun mga rants.

maxado na bang happy ang buhay ko kaya wala na akong masulat?

Sunday, June 10, 2007

quote of the day

"Nobody's perfect. I'm nobody, so I'm perfect!"

Saturday, June 02, 2007

toink

Post.

Post post post.


Ang tagal ko nang hindi nagpo post na hindi na ako sure kung marunong pko. heheheh. Andami na ring nangyari between nung last post ko xaka ngaun kya dko rin alam kung san magsisimula.

Alam ko na sabi ko dati gagawa ako ng bagong template, pero di ko na din nagawa. Nakakatamad kasi. Xaka nakakafrustrate, lalo na kapag wala kang Microsoft Frontpage na tutulong sayo. Kaya kumuha na lang ako sa blogger. Waheheh.

Linagyan ko ng labels lahat ng posts ko, consolation para sa di ko paggawa ng bagong template. Kung may label na parang di tugma, pasabi saken, minadali ko kasi eh.

Next week na pasukan. What?!?! Ang bilis ng summer. Pero mabuti na rin yun at natapos na ang pinakamainit na yatang summer sa balat ng pilipinas. Grabe nanlalagkit ako kanina kahit gabi na. Sobrang humid.

What?!?!

Pinaggagagawa ko this summer? Madami.
  • Nagbasa ng madami, mostly about personal development and law of attraction.
  • Naglaro ng PS2.
  • Nagplano na sakupin ang kalawakan.
  • Nag surf sa internet.
  • Nanood ng dvd.
  • Nanood ng tv.
  • Nagkalat ng tsismis tungkol sa pbb para i-boycott ng tao.
  • Nag isip isip.
  • Natulog.
  • Nakipag away sa aso.
Medyo preoccupied nga ako na wala akong masyadong free time. Hehe. Lagi akong may ginagawa, tapos no pressure kasi di naman required. Saya.


Next week na yung pasukan. Another sem. May accounting na ako. Xaka econ. Hihihi.